Fermer la fenêtre
Sélectionner un pays et une langue
Pays, le lieu d’expédition et les frais de port sont déterminé selon le pays que vous sélectionnez.
Votre panier
Votre panier est vide
Résumé de la commande et validation

Réduction

Livraison

null

Remise sur la livraison

- 0.00 €

Ajouter un code de réduction
Aucun bon de réduction saisi

Paiement total

0.00 €

Livraison dans un délai de
null
Politique de retour
Vous pouvez bien évidemment nous retourner votre produit adidas Headphones s’il ne vous donne pas entière satisfaction. Tous nos clients disposent de 30 jours pour nous retourner leur produit.

Lorsque vous exercez votre droit de rétractation, vous êtes, en tant que client, responsable des frais de retour. Le coût de l’article vous sera remboursé par nous.

Pour en savoir plus sur nos conditions d’achat, cliquez ici.
Paiements sécurisés
Votre sécurité reste notre priorité. Toutes les transactions sur ce site sont traitées par Adyen, un portail de paiement en ligne sécurisé qui crypte les données de votre carte au sein d’un environnement hôte sécurisé.

Adyen est parfaitement conforme à la norme PCI niveau 1 (le niveau le plus élevé) et est contrôlé par Trustwave, un organisme de certification et d’assurance qualité indépendant du Payment Card Industry Security Standards Council. Cela signifie que nous respectons les normes les plus strictes du secteur en matière de protection des données et de sécurité de réseau. Toutes les données des cartes sont donc en sécurité chez nous.
Pour en savoir plus sur nos conditions d’achat, cliquez ici.
Adidas App Privacy Policy - Filipino | Wikang Filipino: Adidas App Patakaran sa pagkapribado – mga update ng produkto

Upang mabigyan ka ng posibleng pinakamagandang karanasan habang ginagamit ang aming mga produkto at mabigyan ka ng impormasyon tungkol sa mga update ng produkto, ibibgay mo sa Marshall Group ang impormasyong makakatukoy sa iyong pagkatao (“Personal na Data”) na kinokolekta at pinoproseso ng Marshall Group. 

 

1. PAGKOLEKTA AT PAGPROSESO NG PERSONAL NA DATA 

Pakitandaan na kailangan mong bigyan ang Marshall Group ng ilang Personal na Data kung gusto mong magparehistro para sa impormasyon tungkol sa mga update ng iyong produkto. 

Kung pipiliin mong hindi ibigay ang Personal na Data na hinihingi ng Marshall Group para sa ganoong mga layunin, hindi ka mabibigyan ng Marshall Group ng impormasyon tungkol sa mga update. 

Ang uri ng Personal na Data na kinokolekta at pinoproseso ng Marshall Group ay binubuo ng sumusunod para sa sumusunod na layunin at panahon: 

- Uri ng personal na data : Ang iyong e-mail address
- Legal na Ground at Layunin : Pagkatapos matanggap ang iyong pahintulot, inilalaan ng Marshall Group ang karapatang iproseso ang Personal na Data para sa mga sumusunod na layunin: pagbibigay ng impormasyon ng produkto at impormasyon tungkol sa mga update.
- Panahon ng Pagpapanatili ng Personal na Data : Hanggang sa pag-withdraw ng pahintulot. Pakitandaan gayunpaman na para sa mga layuning pang-administratibo maaari itong tumagal ng hanggang tatlumpung araw.
 

2. PAGGAMIT NG PAHINTULOT SA LOKASYON SA BACKGROUND SA ADIDAS HEADPHONES APP 

Para sa ilang produkto, gagamit ang Adidas headphones app ng pahintulot sa lokasyon sa background para bigyang-daan ang app na tuklasin, ikonekta at i-configure ang headphones mo gamit ang Bluetooth Low Energy (BLE) kahit habang nakasara o hindi ginagamit ang app. Kinakailangan ito para mabigyang-daan ang mga sumusunod na feature: 

 

Pagkolekta at pagpapakita ng data ng solar na pag-charge 

Ang Powerfoyle™ technology ng Exeger at ang data ng solar na pag-charge ay pangunahing feature, ibig sabihin ay para sa magandang karanasan ng user at magandang user interface, kailangang makuha ng app ang tala ng data ng solar na pag-charge mula sa headphone at maipakita nito ito sa isang graph. Para maging tumpak ang graph, kinakailangan ng app na makakuha ng data ng solar na pag-charge kahit habang nakasara o hindi ginagamit ang app. 

 

Mas mabilis na pag-load 

Ang napapanatiling ugnayang BLE sa pagitan ng app at ng headphone ay nagbibigay-daan sa app na pabilisin ang pag-load para maipakitang nakakonekta ang headphone kapag nakabukas ang app. 

 

Pag-detect ng headphone 

Ang napapanatiling ugnayang BLE sa pagitan ng app at ng headphone ay nagbibigay-daan sa app na ma-detect ang headphone at muling kumonekta rito kung napalayo ito masyado o na-off ito. 

 

Action Button feature 

Ang napapanatiling ugnayang BLE sa pagitan ng app at ng headphone ay nagbibigay-daan sa app na magamit ang integration ng Spotify at Runtastic. 

Hindi gagamit o magso-store ng data ng lokasyon ng user ang Zound. 

 

 

3. MGA IKATLONG PANIG AT PAGLILIPAT NG PERSONAL NA DATA 

Maliban sa itinakda dito sa Patakaran sa Pagkapribado, hindi sasadyaing isiwalat ng Marshall Group ang iyong Personal na Data sa mga ikatlong panig nang wala kang pahintulot. Gayunpaman, maaaring isiwalat ng Marshall Group ang impormasyon sa mga ikatlong panig, para maproseso nila ang naturan, sa mga pangyayaring nakasaad sa ibaba. 

 

 

3.1 MGA TAGAPAGBIGAY NG SERBISYO NG MARSHALL GROUP 

Nagtatarabaho ang Marshall Group nang kasama ang mga tagapagbigay ng serbisyong ikatlong panig na nagbibigay ng mga serbisyo na nauugnay sa pagpapadala ng mga e-mail at iba pang mga nauugnay na serbisyo. 

Maaaring makatanggap ang naturang mga ikatlong panig ng access sa iyong Personal na Data upang maibigay nila ang mga nilalayong serbisyo para sa Marshall Group, nang napapasailalim sa mga obligasyon ng kompidensiyalidad. 

 

 

3.2 PAGPAPATUPAD NG BATAS AT MGA LEGAL NA PROSESO 

Maaaring isiwalat ng Marshall Group ang Personal na Data kung inaatasan ito ng mga naaangkop na batas, kautusan ng korte, mga subpoena ng korte o gobyerno o mga warrrant, o kung hindi naman ay para makipagtulungan sa tagapagpatupad ng batas o iba pang mga ahensiya ng gobyerno. 

Bukod dito, reserbado ng Marshall Group ng karapatang isiwalat ang Personal na Data na pinaniniwalaan ng Marshall Group na naaangkop o kinakailangan upang gumawa ng mga hakbang para protektahan ang Marshall Group at iba pa mula sa madaya, mapang-abuso o labag sa batas na paggamit o aktibidad, para imbestigahan at ipagtanggol ang Marshall Group mula sa mga paghahabol o paratang ng ikatlong panig at para protektahan ang mga legal at pang-negosyong karapatan ng Marshall Group, ipatupad ang mga kontrata o protektahan ang mga karapatan, ari-arian o kaligtasan ng iba. 

 

 

3.3 PAGPAPALIT NG MAY-ARI 

Maaaring ilipat ang Personal na Data sa isang bumibili o pinaglilipatan bilang bahagi ng pagbebenta ng negosyo ng Marshall Group, sa kabuuan o bahagi nito, para sa nag-iisang layunin na pagpapatuloy ng negosyo nang napapasailalim sa ganoong pagbebenta at kung ang tumatanggap ng ganoong Personal na Data ay nangangako lamang sa isang Patakaran sa Pagkapribado na may mga katakdaan na lubhang naaayon sa Patakaran sa Pagkapribado na ito. 

 

 

3.4 PAGLILIPAT NG PERSONAL NA DATA 

Maaaring ilipat ng Marshall Group ang Personal na Data sa mga tagapagbigay ng serbisyo, tulad ng nakasaad sa Seksyon 2.1 sa itaas, na nasa labas ng EU kung makatwirang kinakailangan para maisagawa ng mga naturang tagapagbigay ng serbisyo ang kanilang obligasyon kaugnay sa Marshall Group. Gayunpaman, palaging susunod ang Marshall Group sa mga hinihingi ng GDPR na nagbibigay ng sapat na proteksyon para sa paglilipat ng ganoong Personal na Data sa naturang mga ikatlong bansa at susubukang iwasan ang ganoong paglilipat. 

 

 

4. IMPORMASYON TUNGKOL SA IYONG MGA KARAPATAN KAUGNAY SA PAGPROSESO NG MARSHALL GROUP SA IYONG PERSONAL NA DATA 

Kaugnay sa iyong Personal na Data at sa pagproseso ng Marshall Group dito, karapatan mo ang mga sumusunod: 

Karapatang i-access: May karapatan kang tumanggap ng impormasyon kung ipoproseso ng Marshall Group ang alinman sa iyong Personal na Data, kung para sa anong layunin at kailang panahon, atbp.; 

Karapatan ng pagtutuwid: Karapatan mong hingin sa Marshall Group na iwasto ang anumang mga mali sa o i-update ang iyong Personal na Data; 

Karapatang makalimutan: Karapatan mong hingin sa Marshall Group na i-delete ang lahat ng Personal na Data; 

Karapatang higpitan ang pagpoproseso: May karapatan kang hingin sa Marshall Group na higpitan o kontrolin ang Personal na Data na pinoproseso ng Marshall Group o ang paggamit ng Marshall Group sa naturan sa mga partikular na pangyayari; at 

Karapatan sa data portability: May karapatan kang ieksport ang iyong Personal na Data na ibinigay mo sa Marshall Group. 

Upang pahintulutan kang ipatupad ang iyong mga karapatang nakasaad sa itaas maaari mong kontakin ang Marshall Group kaugnay ng iyong mga karapatan sa pamamagitan ng impormasyon sa pagkontak na ibinibigay sa Seksyon 7 sa ibaba. 

Sa sandaling makontak ang serbisyo sa kostumer para sa layuning ito kailangang may access ka sa parehong e-mail adres na ginamit sa pagparehistro sa Marshall Group upang mapatunayan ng Marshall Group ang iyong pagkakakilanlan at karapatang i-access ang iyong Personal na Data. 

Pakitandaan na bagama't ang mga pagbabago o mga update ay makikita agad o sa makatwirang panahon sa loob ng mga sistema ng Marshall Group, reserbado ng Marshall Group ang karapatang panatilihin ang lahat ng iyong Personal na Data para sa mga backup, pagpigil sa pandaraya o pang-aabuso, pagtupad sa mga legal na obligasyon, o kung saan naniniwala ang Marshall Group na ang Marshall Group ay may lehitimo o mandatoryong dahilan para gawin ito. 

 

 

5. ANG KARAPATAN MONG MAGHAIN NG REKLAMO 

Sa anumang oras maaari mong kontakin ang Marshall Group upang tutulan ang pagpoproseso ng iyong Personal na Data kung saan ang pagpoproseso ay makatwiran batay sa mga lehitimong interes ng Marshall Group o kung saan naniniwala kang nilabag ang iyong mga karapatan sa pagkapribado sa ilalim ng mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data. Para sa mga ganoong pagkontak mangyaring gamitin ang impormasyon sa pagkontak nasa sa Seksyon 7 sa ibaba. 

May karapatan ka ring maghain ng reklamo sa kaukulang tagapangasiwang awtoridad sa proteksyon ng data. 

 

 

6. PATAKARAN SA SEGURIDAD 

Nangangako ang Marshall Group na pananatilihin ang iyong Personal na Data na ligtas laban sa mga di-awtorisadong pag-access o paggamit, pagbabago, labag sa batas o aksidenteng pagsira at aksidenteng pagkawala sa pamamagitan ng paggamit, halimbawa, ng mga tanggap na pamantayan sa industriya, modernong software na napapanatiling bago at angkop na administratibo, teknikal at pisikal na pag-iingat. Kabilang dito, halimbawa, ang mga firewall, proteksyon ng password, at mga authentication control. Tanging ang mga awtorisadong empleyado, ahente at tagapagbigay ng serbisyo (na sumang-ayong panatilihing ligtas at kompidensiyal ang impormasyon) ang may access sa iyong Personal na Data. Gayunpaman, dapat mong mabatid na palaging may ilang panganib na kaakibat ng pagpapadala ng impormasyon sa internet. 

Kung sakaling magkaroon ng paglabag sa seguridad na hahantong sa aksidente o labag sa batas na pagkasira, pagkawala, pagbabago, di-awtorisadong pagsisiwalat ng, o access sa, iyong Personal na Data, agad na susuriin ng Marshall Group ang panganib ng naturang pangyayari sa iyong mga karapatan at kalayaan at kung naaangkop ipagbigay-alam sa iyo at sa kaukulang tagapangasiwang awtoridad sa proteksyon ng data ang ganoong pangyayari. 

Kung naniniwala kang nalagay sa panganib ang iyong Personal na Data, mangyaring makipag-ugnayan sa Marshall Group sa pamamagitan ng impormasyon sa pagkontak na ibinigay sa Seksyon 7 sa ibaba sa lalong madaling panahon. 

 

 

7. MGA PAGBABAGO AT PAG-UPDATE 

Maaaring i-update ng Marshall Group itong Patakaran sa Pagkapribado paminsan-minsan. Sa mga ganoong pag-update ilalagay ng Marshall Group ang bagong Patakaran sa Pagkapribado sa Website at isasaad ang petsa ng paggawa sa pinakahuling pagbabago. 

Hinihikayat kang pana-panahong muling bisitahin itong Patakaran sa Pagkapribado upang palagi mong alam ang tungkol sa anumang mga pagbabago dito sa Patakaran sa Pagkapribado. Ang patuloy mong paggamit ng impormasyon tungkol sa mga update na ibinigay sa iyo matapos magkabisa ang binagong Patakaran sa Pagkapribado ay nagpapahiwatig na iyong nabasa, naintindihan at natanggap ang kasalukuyang bersiyon ng Patakaran sa Pagkapribado. 

 

 

8. IMPORMASYON SA PAGKONTAK SA CONTROLLER NG PERSONAL NA DATA 

Maaari kang makipag-ugnayan sa Marshall Group sa anumang oras: 

- upang humingi ng access sa iyong Personal na Data na pinoproseso ng Marshall Group, 

- upang iwasto ang naturang Personal na Data, 

- upang hingin na higpitan ng Marshall Group ang paggamit nito sa iyong Personal na Data o i-delete ang naturang Personal na Data, o 

- kung hindi mo naiintindihan ang alinman sa mga nabanggit na takda at mga kondisyon o kung mayroon kang anumang mga tanong, alalahanin o komento tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado sa Marshall Group. 

 

Impormasyon sa pagkontak: 

Sa e-mail: gdpr@zoundindustries.com 

Sa sulat: 

Marshall Group AB 

Att: GDPR 

Centralplan 15 

111 20 Stockholm, Sweden 

Ang Patakaran sa Pagkapribado na ito ay huling na-update noong: Nobyembre 18, 2022. 
 
 


 

Do you still need help?
Contact our
customer Care

Our Customer Care team can help. You can also ask questions and find answers from other articles in our Related Top Reads.